HUMINGA nang malalim si Tami. Pakiramdam niya ay tutumba siya. Napasobra yata ang kaniyang kain kanina sa salo-salo. Nahawakan niya ang kaniyang noo at bahagyang hinilot-hilot iyon. Nang mga sandaling iyon ay nasa bahay ulit sila ng kaniyang lolo’t lola. Ang Lolo Nolito naman niya ang may padasal para sa ika-forty days nito. Bakit ganito ang pakiramdam niya? Iyong tipong busog na busog. Tapos kulang na lang ay gumapang na lang siya kaysa ang humakbang, ganoong feeling. Ibinaba na niya ang kamay at medyo inilibot ang tingin sa paligid. Para siyang maiiyak nang hindi agad makita si KG. Saan ba ito pumunta? Napalunok siya. Kaysa humakbang pa ay sumandal na lamang siya sa may wall. Kagagaling lang niya sa may CR para magbawas ng panubigan. At ang pangako pa sa kaniya ni KG ay hihintayin siy