PATI bahay nina KG ay nagdudulot ng nostalgia kay Tami. Parang kailan lang noong imbitahan siya roon ni KG. Ngunit dahil sa mga tumatawag ditong babae, mas pinili na lang nito na umalis sila at mag-road trip. Iyon ang time na unang beses siya nitong dinala sa Sariaya, sa may mataas na lugar. Eight years ago… Araw iyon ng Linggo, araw kung kailan sila inimbitahan ng mommy ni KG na mag-stay roon. Before lunch sila pumunta roon dahil gusto ni Mommy Selvia na salo-salo sila sa lunch. “You’re just in time,” nakangiti pa nitong salubong sa kanila nang dumating sila. Agad nitong hinalikan sa pisngi si Tami. Hindi talaga maikakaila ang pagkagiliw nito sa kaniya. Young looking pa rin ang ina ni KG kahit na nasa early fifties na ang edad nito. Perks of being maalaga sa katawan at sa mukha. Siguro