PAGPASOK sa loob ng Study Room ay agad na hinila ni Mommy Selvia si Tami sa isang receiving area, na nasa mismong gitna ng silid na iyon, na may mamahaling sala set. Napakaraming libro. Ang sarap lang sa mata na pagmasdan. Naupo na siya sa mahabang sofa. Habang si Mommy Selvia ay may kinuha sa isang cabinet. May dala itong tatlong photo album nang balikan siya nito. Pero hindi nito agad iyon ibinigay sa kaniya. Sa halip ay inilapag nito iyon sa mesita na nasa harapan nila. “Magkuwentuhan muna tayo, bago natin tingnan itong mga nasa album. But first, thank you so much, hija,” anito na umisod palapit sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. “Para po saan?” aniya na gumanti rin ng yakap dito. Sandali lang naman iyon at kumalas din sa kaniya si Mommy Selvia. Nakangiti ito. Even her eyes w