MATAPOS sagutin ni KG ang tawag sa telepono ay muli nitong binalikan si Tami na abala sa panonood sa TV. “Birthday ng kaibigan ko na si Lex Montiger. Nakita mo na ‘yon dati noong bumisita sila nina Teody rito sa bahay,” ani KG kapag kuwan kay Tami. “Pinapapunta ka?” “Hmmm. Bukas pa naman. Sa isang hotel ang venue. Punta tayo?” Sinulyapan niya si KG. “Ikaw na lang.” “Gusto ko, kung pupunta ako roon ay kasama kita. If not, hindi na ako pupunta.” Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. “So, kasalanan ko kapag nagtampo sa iyo ang kaibigan mong si Lex, dahil hindi ka um-attend sa birthday party niya dahil sa akin?” “Wife, I told you. Mas gusto ko nasa tabi kita,” sa halip ay wika ni KG nang hawakan ang kaniyang kamay na pinangpisil sa ilong nito. “Hubby, hindi naman ako aalis. Dito lang