KINABUKASAN nga ng hapon ay kasama na ni KG si Kennedy pag-uwi nito galing sa trabaho. Agad siya nitong niyakap ng mahigpit nang salubungin niya ang pagdating ng mga ito. Iyong saya ni Tami na makita ang kaniyang anak ay halos magpainit pa sa bawat sulok ng kaniyang mga mata. “Mommy, I miss you,” wika pa nito. Gumanti siya ng mas mahigpit na yakap dito. “I miss you too, baby.” Ngayong naroon na ulit si Kennedy, para bang mas gumaan lalo ang kaniyang pakiramdam. Iba talaga kapag naroon ito. Kapag ramdam niya ang presensiya nito. Mas napapanatag siya. Nawawala ang lungkot at pag-aalala. “I miss you badly, Kuya Ken.” “Me too, mommy. I miss you, dad and Geo a lot,” ani Kennedy na hinalikan pa siya sa pisngi. “I love you, mommy.” He’s really sweet. “I love you too, baby,” aniya na pinupog