“WIFE, puwede bang mahiram ka muna saglit?” Nang mag-angat ng tingin si Tami ay ang nakangiting si KG ang kaniyang nakita. Abala siya sa pakikipagkuwentuhan sa kaniyang ina nang mga sandaling iyon sa may salas. “Sure,” nakangiti rin niyang tugon sa asawang si KG. Nag-excuse muna siya kay Mama Anna bago tumayo at lumapit kay KG. “Bakit, hubby?” “I have something to tell you.” Kumunot ang kaniyang noo. Ano naman kaya iyon? Nagtataka man ay sumunod pa rin siya kay KG. Mukhang gusto nito iyong sabihin sa walang tao. Mamayang gabi ay may family dinner sila sa bahay nila. Pupunta rin doon ang mga magulang ni KG. Ang Papa Geoffredo naman niya ay parating na anumang oras mula ngayon. Si KG mismo ang nag-imbita sa mga magulang nila para sa family dinner na iyon. Iniisip niya na siguro ay dahil