KASABAY nang pagpapalipad ni Tami sa lobo na kulay puti ay ang kahilingan din na maging mapayapa at masaya sa kabilang buhay ang kaniyang Lolo Nolito at Lola Amanda. Katulad kahapon ay madilim din ang kalangitan nang mga sandaling iyon. Tila ba, nagbabadya na naman sa pagpatak ang ulan. O ‘di kaya naman ay nakikidalamhati rin ang kalangitan sa kalungkutan nilang lahat nang mga sandaling iyon? Iyon ang araw ng libing ng kaniyang lolo’t lola. At nang mga sandaling iyon ay nasa loob na ng magkatabing nitso ang mga ito na nasa loob ng isang malaking mausoleum. Ipinagawa pa iyon mismo ng mag-asawa para sa hihimlayan ng mga labi ng mga ito kung dumating man ang panahon na bawiin na ang katawang lupa ng mga ito. Huminga nang malalim si Tami. Lolo Nolito, Lola Amanda, sisikapin ko pong tanggapin