Episode 3

1799 Words
Chapter 3 Tinitigan ni Cheng ang kanyang repleksyon sa salamin. Hindi niya mawari kung matatawa ba siya o iiyak sa kanyang itsura. It looks like she's trying so hard to be a real woman. Bakit ba ang hirap magmukhang babae kahit babae naman siya? Agad niyang hinubad ang kanyang suot na sandals dahil hindi nga siya makatayo ng maayos habang suot iyon, Makalakad pa kaya? Naiinis na hinubad niya rin ang kanyang crop top t-shirt dahil nagmukha lamang siyang bakla sa kanyang suot at higit sa lahat halatang halata ang umbok ng kanyang malusog na dibdib at parang hindi siya sanay makita iyong nakaumbok. Mas gusto niyang itago sa malalaking tshirt ang malulusog niyang dibdib kaysa makita ito ng ibang tao. "Ahrrr! Bakit ba ang hirap!" Napasalampak tuloy siya sa sahig ng kanyang kwarto sa sobrang inis niya sa kanyang itsura Akala niya magsusuot lang siya ng damit pang babae ay magmumukhang babae na rin siya. Ngunit ngayon parang naaasiwa siya sa itsura niya Tinangal niya rin ang hair clip sa kanyang maiksing buhok dahil hindi iyon bagay sakanya Wala siyang nagawa kundi magbihis muli ng mga dati niyang damit. Maluwang na t-shirt at hiphop na pantalon. Doon siya mas komportable at mas katangap tangap para sakanya ang itsura niyang iyon. Isinuot niya rin ang kanyang sumbrero bago siya lumabas ng kanyang kwarto. Nakasalubong niya ang ate Pancy niya sa may hagdanan. Nainis ito dahil hindi niya daw ginamit ang mga binigay nitong damit. "Anu ba yan Cheng? Akala ko ba gusto mong maging babae--" "Ate hindi bagay sakin. Nagmukha akong trying hard" Nilagpasan niya ang kanyang ate habang nakasimangot siya "Sa umpisa lang yun ano ka ba? Masasanay ka rin--" "Ayoko na. Bawiin mo na ate yung mga gamit mo" Derederetso na siyang lumabas ng kanilang bahay habang nakasukbit sakanyang isang balikat ang kanyang back pack. Narinig niya pang tinawag siya ng ate pancy niya ngunit hindi na niya ito pinansin. As usual nasa tapat na ng kanilang bahay ang kotse ni Ram. Araw araw sa tuwing papasok sila sa campus ay sinasabay siya nito dahil magkalapit lang naman ang kanilang bahay. "Aga aga nakasimangot ka?" Tanong ni Ram sakanya pag pasok niya ng kotse nito Hindi siya sumagot. "Teka parang may kakaiba sayo--Damn nag-ahit ka ng kilay?" Tinignan niya lang ng masama si Ram dahil mapang-asar itong tumawa ng malakas. Binato niya ito ng kanyang sumbrero "Saya mo. Tara na late na tayo" Tawa parin ito ng tawa ngunit sinimulan na nitong magmaneho ng kotse nito. "What's happening to you Cheng? Natatawa ako sayo" Hindi parin maka-get over si Ram sa pang aasar sakanya kahit nakarating na sila sa parking lot ng campus nila. Trip na trip nitong pagtawanan ang bagong ahit na kilay niya. Hindi nalang niya pinansin ang pang aasar nito dahil mas lalo lamang siyang nababadtrip. Akala niya kasi mag mumukhang babae na agad siya sa isang iglap. Nagkamali siya. Napakahirap pala! Lalo na sanay na siyang kumilos ng ganito. Lumabas na siya ng kotse ni Ram at sinundan agad siya nito. As usual, Inakbayan nanaman siya ni Ram habang naglalakad sila papunta sa kani-kanilang classrooms. Ganito ito palagi simula pa noon. Nakasanayan na nitong akbayan siya. Noon hindi siya naaasiwa sa pag akbay nito ngunit ngayon nagdadalaga na siya at may malisya na siyang nararamdaman "You know what i have an idea. May pupuntahan tayo mamaya" "Saan?" Tanong niya habang naglalakad sila "Secret. Para matigil na yang kalokohan mo" Ginulo nito ang maiksi niyang buhok "Wala ako sa mood maglakwatsa. Uuwi nako agad mamaya--" "Ibang shampoo ginamit mo?" Tanong ni Ram sakanya "Ha?" "Hindi ito yung shampoo mo. Mas gusto ko yung dati" Sumimangot siya. Pati ba naman shampoo niya kabisado pa nito ang amoy? Ganoon nila kakilala ang isat-isa. Sa tagal ba naman ng panahon na magkaibigan sila "Mas mura eh kaya pinalitan ko" "Yun na lang gamitin mo ulit." Inirapan nalang niya si Ram. "Babe!" As usual, Nag-aabang na si kitikiti este ang girlfriend ni Ram sakanilang dalawa. Palagi itong nag aabang doon. "Hi babe" Ganting bati naman ni Ram kay Faye bago naghalikan ang mga ito sa mismong harap niya pa. Kaya naman tinangal niya ang pagkaka-akbay ni Ram sakanya dahil hinalikan nito si Faye habang ang kamay nito naka-akbay pa sa balikat niya. Inis na inis talaga siya. "Maiwan ko na nga kayo diyan male-late pa ako sainyo" Nakasimangot niyang paalam sa mga ito. Patuloy naman naghahalikan ang dalawa para bang wala ito sa campus kung maghalikan. Sa tuwing maghahalikan si Ram at Faye sa kanyang harapan ay kakaibang kirot ang kanyang nararamdaman sa kanyang munting puso. Wala siyang karapatan magselos pero nagseselos parin siya. Napabuntong hininga nalang siya at nauna na siyang lumakad sa mga ito. Hindi pa man siya nakakailang hakbang mula sa dalawa ay napatigil siya "Cheng" Napalingon siya sa tumawag sa kanyang pangalan. Hindi niya inaasahan na naroon si Ford at naghihintay sakanya. May hawak itong isang kumpol ng bulaklak. Marami tuloy napapatingin sakanilang dalawa ni Ford. "F-Ford" Hindi niya mawari kung ngingiti ba siya dahil hindi siya sanay sa ganito Lumapit si Ford sakanya. May itsura naman ito at maganda ang ngiti dahil mapuputi rin ang mga ngipin nito. "G-Good morning Cheng. For you" "P-Para san yan?" Hindi niya maintindihan kung bakit tumibok ang kanyang puso. Parang kinakabahan kasi siya. Ngayon niya lang naranasan mabigyan ng bulaklak. Tinangap naman niya ang bulaklak at pasimpleng inamoy iyon. Napakabango! "Para sayo yan Cheng. I'm starting to--" Naputol ang pagsasalita ni Ford ng lumapit si Ram at Faye sakanilang dalawa "Oh em gee. For real may nanliligaw sayo? Diba babae ang gusto mo?" Tanong ni kitikiti sakanya Hindi niya ito pinansin. Ngunit napatingin siya kay Ram. Seryoso ang gwapong mukha nito habang nakatingin sa kanya. "Ibalik mo. Pang babae lang yan" Seryosong sabi ni Ram sakanya Napakunot tuloy ang nuo niya sa inis. Samantalang tumawa naman si Faye. "Tara na Ford malate na tayo" Nauna na siyang naglakad habang hawak hawak niya ang bulaklak na ibinigay ni Ford sakanya Sinabayan siya ni Ford sa paglalakad. "Nagalit ata yung best friend mo?" Maya maya tanong ni Ford sakanya "H-Huwag mong pansinin yun. Akala niya kasi tomboy ako" Ngumiti lang ng simple si Ford "Para sakin hindi ka naman mukhang tomboy." "Talaga? Salamat ah. Ramdam ko tuloy babae talaga ako" Ngumiti muli si Ford at sinabi nito sakanyang babae naman talaga siya at huwag siyang mag alala dahil sa mga mata nito ay babaeng babae siya. Nakakunot naman ang nuo ni Ram habang nakatanaw sakanilang dalawa ni Ford "Babe akala ko ba tomboy si Cheng?" "I need you to help me. Magsama ka ng babaeng kaibigan mo mamayang gabi may pupuntahan tayo" "Saan naman babe?" "Miguel's bar" Nakatingin parin si Ram kay Cheng at Ford habang papalayo ang mga ito. "Sure! Sila Bianca ang isasama ko" "Just one girl. Para magising sa katotohanan si Cheng." Hindi maintindihan ni Ram kung bakit inis na inis siya dahil lamang may gustong manligaw sa bestfriend niya Kinagabihan isinama niya si Cheng sa bar ng kanyang kapatid. Kahit minor de edad pa lang sila Cheng ay allowed silang makapasok doon dahil kapatid niya ang may ari ng bar. "Ano bang gagawin natin dito?" Tanong naman ni Cheng kay Ram ng makarating na sila sa bar. "I have a gift for you." Naka-akbay si Ram kay Cheng habang hinihintay nila sila Faye at bianca. "Gift? Hindi ko naman birthday--" "They are here" Nakangiting sabi ni Ram ng matanaw na nito si Faye at Bianca na papalapit sa kanilang table Maingay at masaya sa loob ng bar. Maraming nag gagandahang mga kababaehan sa buong paligid ngunit lutang na lutang talaga ang ganda ni Faye sa mga ito Nalungkot tuloy si Cheng ng makita niya si Faye na papalapit sa table nila. May kasama itong isang magandang babae rin. Halos ipakita na ng mga ito ang mga dibdib kahit flat chested naman ang mga ito. "Hi babe!" As usual humalik nanaman si Kitikiti sa bestfriend niya. Nag iwas nalang siya ng tingin upang di niya makita ang paghahalikan ng mga ito "Hi Cheng! This is bianca!" "Hi cutie boy" Nanlaki ang kanyang mata ng kumandong agad sakanya ang babaeng ipinakilala nito sakanya. Naitulak niya tuloy ito. "Huy! B-Bakit ka kumakandong bigla?" Napatayo pa tuloy siya sa sobrang gulat niya. "Aw! Bakit ka nanunulak cutie?" Tawa naman ng tawa si Ram dahil sa ginawa niya "Cheng anu ba. Huwag ka naman ganyan sa friend ko. Magiging girlfriend mo na nga siya ng walang kahirap hirap eh!" Tinulungan ni Faye makatayo si Bianca. "What?! Tol anu ba to?" Naguguluhang tanong niya kay Ram dahil kumapit na sa kanyang braso ang babaeng mas kitikiti pa sa girlfriend ni Ram Pilit niyang tinatangal ang kamay ng babae sa kanyang braso Tawang tawa naman si Ram sa itsura niya. Di nito mapigilan kurutin ang pisngi niya "Regalo ko yan sayo. Para magising ka na sa katotohanan na babae ang gusto mo" Dahil sa sinabi ni Ram napalunok siya. Parang may humiwa sakanyang puso. Bakit ba pinagpipilitan ni Ram na maging lalake siya?! "Cutie I'm bianca--" "Kapag di mo ko tinantanan sasapakin kita" Galit na sita niya sa babae dahil dinidikit pa nito ang flat nitong dibdib sa braso niya. Diring diri siya dahil babae rin siya! Mukhang natakot naman ito sa kanyang sinabi kaya bumitaw ito sakanya "Cheng--" Sita ni Ram sakanya "Ilang beses ko bang sasabihin sayo Ram? Babae ako!" Tinulak niya si Ram at tumakbo na siya palabas ng bar. Hindi na kasi niya mapigilan maiyak sa inis. Ang loko loko niyang best friend binigyan pa siya ng babae para lamang idikdik sakanyang lalake siya? "Cheng!" Hinawakan agad ni Ram ang kanyang kamay ng mahabol siya nito sa parking area "Bitawan mo ko!" "Fine I'm sorry! Ayoko lang mawala ka sakin" Dahil sa sinabi ni Ram napatigil siya sa pagpiglas "A-Anong ibig mong sabihin?" "Ayokong mawala ang bestfriend ko. Kung ano ka noon" Tumawa siya ng pagak. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Ram. "Kung ano ako noon? Babae naman ako noon pa man eh!" "Ayokong magpakababae ka!" Seryosong sabi ni Ram na mukhang pati ito ay nabigla rin sa nasabi nito. "Bakit?!" "D-Dahil dahil hindi sayo bagay" Tila wala itong maisip idahilan dahil nag isip pa ito ng sasabihin at nagkanda-utal utal pa ito. "Siraulo! Edi hindi kung hindi. Basta babae ako! Sana naman respetuhin mo yun Ram. Gusto ko ng magpaligaw kay Ford dahil babae talaga ako hindi dahil gusto ko lang magpakababae. Ngayon lang may nagkagusto saking lalake kaya sana naman hayaan mo nako. Hindi naman ako mawawala bilang bestfriend mo" Tahimik lang ito habang nakikinig sa mga sinasabi niya. "Fine. Gawin mo gusto mo" Binitawan nito ang kanyang kamay at bumalik na ito sa loob ng bar. Hindi niya alam kung ano bang ikinagagalit nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD