Chapter 4
"May gagawin ka ba after class Cheng?"
Nilapitan siya ni Ford pagkatapos ng kanilang huling subject. Kasalukuyan niyang inililigpit ang kanyang mga notebooks.
"W-Wala naman. Bakit?"
"I-Ice cream tayo? Diyan lang sa ice cream shop sa tapat ng campus" Nahihiyang pagyaya nito sakanya. Halatang kinakabahan rin ito
"Sige ba" Masayang pag payag naman niya. Lumiwanag naman ang mukha ni Ford dahil sa pagpayag niya.
Mukhang alam ni Ford na mahilig siya sa ice cream. Marahil madalas siyang makita nito na kumakain ng ice cream.
Paborito kasi nilang dalawa ni Ram ang kumain ng ice cream lalo na tuwing summer vacation. Inuubos nilang dalawa ang isang galon ng ice cream habang naglalaro sila ng mga video games noon. Paborito nila ang cookies and cream flavor.
Ipinilig niya ang kanyang ulo ng maalala niya si Ram. Kagabi pa ito hindi nag tetext sakanya simula ng umuwi siya mula sa bar ng kapatid nito.
Naiinis parin siya sa ginawa nitong pag bugaw sakanya sa isang babae. Hindi naman kasi talaga siya tomboy kaya hindi niya iyon magugustohan.
"Ako ng mag bubuhat ng bag mo" Kinuha ni Ford ang kanyang bag at ito na mismo ang nag dala ng bag pack niya
Pakiramdam niya tuloy babaeng babae siya kung ituring siya ni Ford. Hinayaan niya lang itong buhatin ang kanyang bag.
Nagtitinginan sakanila ang mga schoolmates nila dahil para na silang magkarelasyon dahil buhat buhat nito ang kanyang bag.
May mga tumukso pa nga kay Ford na ikinangiti lang ng binata. Masaya ito habang kasabay niya itong naglalakad palabas ng kanilang campus
Nais niyang bumalik ng matanaw niyang makakasalubong niya si Ram at Faye sa bandang dulo. Ngunit nakita na sila nito.
As usual kumunot nanaman ang nuo ng bestfriend niya ng makita sila nitong magkasama ni Ford
"Omg kayo na ba?!" Tanong ni kitikiti sakanilang dalawa ni Ford ng magkasalubong na silang apat
"Hindi pa. Nililigawan ko palang si Cheng" Sagot ni Ford kay kitikiti.
Seryoso naman nakatingin si Ram sakanya na para bang nagtatampo ito.
"Tamad ka na bang magbuhat ng bag mo ngayon?" Inis na tanong ni Ram sakanya dahil napansin nitong si Ford ang may hawak ng bag niya
"Hindi ha!" Nakasimangot namang sagot niya.
"I was the one who insisted to--"
"I'm not talking to you" Putol ni Ram sa pagsasalita ni Ford. Ni hindi man lang nito tinitignan si Ford at nakasimangot lang itong nakatingin sakanya
Heto nanaman ang pagsusungit ni Ram! Wala na ito sa lugar kung minsan.
"Halika na nga Ford." Hinawakan niya ang braso ni Ford upang yayain na itong lumakad.
Ngunit hinawakan naman ni Ram ang kanyang kaliwang braso upang pigilin siya.
"Where are you going?" Kunot nuong tanong ni Ram sakanya
"Tol naman tatay ba kita? Mas mahigpit ka pa kay tatay eh!" Pumiglas siya ng kaunti upang bitiwan siya nito.
"Where the are you going?" Tanong ulit ni Ram ngunit mas seryoso na ang mukha nito
"Diyan lang! Mag ice cream lang kami!" Wala na siyang nagawa kundi sabihin parin kay Ram kung saan nila balak pumunta
"Do you want ice cream?" Tanong ni Ram kay faye. Agad naman sumangayon si Faye at tila gustong gusto pa nito.
"Omg yes!"
"Tol naman huwag na kayo sumama samin. Sa iba nalang kayo mag date--"
"So di mo pa nga sinasagot nakikipag date kana?"
Pina-ikot niya ang kanyang mata sa sobrang inis niya.
"Tol naman!--"
"It's okay Cheng. Okay lang naman sumama sila satin"
Inakbayan siya ni Ram habang suplado itong nakatingin kay Ford
"Let's go"
Nahiya tuloy siya kay Ford dahil naka-akbay sakanya si Ram habang kaholding hands naman nito sa kabilang kamay nito ang girlfriend nitong si Faye.
Huminga nalang ng malalim si Ford at inintindi nito ang sitwasyon. Alam nitong matalik silang magkaibigan ni Ram.
Pag dating nila sa ice cream shop si Ford ang pumila upang umorder ng mga ice cream na kakainin nila samantalang nag retouch naman sa rest room si Faye. Kaya naman silang dalawa lang ang nasa table ngayon habang hinihintay ang kanilang ice cream.
"Tol naman huwag ka naman umepal. Ngayon nga lang ako makikipag date eh"
Piningot ni Ram ang kanyang tenga.
"Kahapon ka lang nagdesisyon magpakababae nakikipag date kana. Isumbong kita kay tito eh"
"Aww aray naman nasasaktan ako"
Doon palang tinangal ni Ram ang pagpingot sa kanyang tenga. Kinuskos niya tuloy ang tenga niya dahil sa pag pingot nito.
"Kailan ka pa naging sumbungero aber?"
Sinimangutan lang siya nito.
"Umalis na kayo Ram para makapag usap naman kami ni Ford--"
"I'm your bestfriend right? kaya dapat sasabihin mo sakin kung saan kayo pupunta ng manliligaw mo. Kikilatisin ko yang manliligaw mo. Pag di yan pumasa sakin hindi mo yan sasagutin"
Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Ram. Seryoso ba to?
"Tol naman--"
"I'm serious Cheng. Maraming lalake ang pwedeng manloko sayo kaya dadaan muna sila sakin"
"Babe! We need to go to our dentist today! Di mo pinaalala. May appointment tayo diba?" Nagmamadaling lumapit si Faye sa kanilang table at pinaalala nito kay Ram ang appointment nito sa dentist ngayong hapon.
Napatingin sa orasang pambisig nito si Ram.
Napamura ito ng kaunti. Parang ayaw pa nitong umalis ngunit kailangan dahil nakaschedule na ito sa dentist nito para sa cleaning ng mga ngipin. Basta tungkol sa cleanliness si Ram ata ang number one sa bagay na iyan.
Alagang alaga nito ang mapuputi nitong mga ngipin.
"We need to go. Itext mo ko pag nakauwi kana. Umuwi ka agad"
Napangiti siya dahil aalis na ang dalawa.
"Sige tol ingat kayo!"
"Tatawagan ko si tito--"
"Oo na tol! Mas mahigpit ka pa kay tatay eh!"
Nakapila parin si Ford at nakita nitong umalis na si Ram at faye. Kumaway siya kay Ford at sinenyasan niya ito na dalawang ice cream nalang ang orderin nito dahil umalis na ang asungot niyang best friend
Maya maya pa dumating na si Ford habang hawak ang dalawang ice cream.
"Bakit umuwi na sila?" Nakangiting tanong ni Ford sakanya habang inaabot nito ang isang ice cream sakanya
"May appointment daw sa dentist. Salamat Ford"
Marami silang napagkwentuhan ni Ford tungkol sa kung ano anong bagay. Nagkwento ito tungkol sa pamilya nito. Galing pala ito sa isang broken family. Masaya siya habang kausap niya si Ford dahil masarap naman itong kausap
"Bakit mo pala ako niligawan? I mean ang daming magandang babae sa campus natin tapos ako pa yung niligawan mo eh ganito ako"
Tumawa si Ford sa kanyang sinabi
"Kung alam mo lang kung gaano kadami ang may crush sayo sa campus natin. Hindi lang makaporma dahil palagi mo kasama si Ram."
Naubo tuloy siya sa sinabi ni Ford.
"Hindi ako naniniwala sayo. Mukha nga raw akong lalake sabi nila"
Ngumiti si Ford habang tinititigan ang kanyang mukha.
"Bulag lang ang di makakakita ng ganda mo Cheng. Totoo yung sinasabi ko sayo. Marami may gusto sayo sa campus natin. Pero walang lakas ng loob dahil ang sama makatingin ni Ram. Natatakot sila. At yung iba iniisip nila babae rin ang gusto mo"
"Eh bakit ikaw niligawan ako? nilakasan mo lang ba loob mo?"
"Oo. Matagal na kitang crush eh. Kung di pa ako kikilos ngayon baka wala nakong maging pag asa sayo sa mga susunod pang araw"
Napangiti naman siya sa sinabi ni Ford dahil muli na naman niyang naramdaman ang pagiging babae niya
"H-Hayaan mo susubukan kong kilalanin ka pa ng husto."
"Hindi nga ako makapaniwala na pagbibigyan mo ako. Salamat Cheng"
"Walang anuman--"
"Diba sabi ko sayo umuwi kana agad?"
Napalingon sila kay Ram ng bumalik ito sa ice cream shop. Nakakaisang oras palang simula ng umalis ito. Bakit naman ito bumalik pa?!
"Tara na umuwi kana" Kinuha na ni Ram ang kanyang bag at hinila na siya palabas ng ice cream shop