Chapter 162

1216 Words

"Bagay na bagay sa 'yo," mahinahong wika sa akin ni Chad. Pero wala siyang kaalam-alam na pahirap na pahirap sa akin ang sitwasyon. Winawasak nito ang puso ko at hindi ko alam kung paano ako tutugon sa kaniya ngayon. Paano ako hihindi sa kaniya kung lahat ng mga ginawa niya ay para lang mapabuti ako. Wala akong gustong sabihin sa kaniya kundi ang mga salitang ayaw ko dahil hindi ako ang karapat dapat para sa kaniya. Hindi dahil hindi ako handa sa nararamdaman ko kundi dahil ang puso ko ay sigurado ng si Kent pa rin ang nilalaman. Pero paano ko sisimulan ang lahat kung ganito ang sitwasyon niya? Pagkatapos ng mga nalaman ko kagabi ay hindi ko na alam kong paano ko siya pakikitunguhan ng hindi ko siya masasaktan ng husto. Hinawakan niya ako sa aking mga kamay at para na akong maiiyak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD