Humagolhol ako nang iyak dahil alam kong hindi niya ito deserve. Masyado siyang mabait at kulang ang salitang mabait lang para ilarawan siya. "Chad... pagdating sa 'yo ay wala na akong ibang mahihiling pa, na sa iyo na ang lahat ng katangiang hinahanap ko sa isang tao. Maunawain, mabait, malambing at mapagmahal. Kahit sino ay kaya kang mahalin ng kagaya ko. Siguro kung una lang kitang nakilala ay natitiyak kong tayo talaga ang magiging sa huli. Pero noong mga panahong nandiyan ka ay umugat na sa puso ko ang pangalan ni Kent," nahihirapan kong wika at ang mas hirap ay ang tapusin ang mga gusto kong sabihin. Pero nagpatuloy pa rin ako para isang bagsakan na lang ang lahat. "Ang akala ko ay wala na siya rito!" nasasaktan kong wika at tinuro ang puso ko. "Layna... hindi mo dapat sinasabi s