Mabait naman pala si Rosie. Bukod sa napakaganda niya ay mabilis na gumaan ang loob ko sa kaniya. Madaldal ito at malayong-malayo kay Kent ang ugali niya. Kung gaano siya kagaling kumanta ay ganoon din kabait ng pagkatao niya. Kinakabahan pa ako noong una ko siyang makausap pero nang makausap ko na siya ay nawala na lang bigla ang pag-aalangan ko sa kaniya. Mayroon siyang katangian na mapagkakatiwalaan. At muntik pa kaming hindi matapos sa aming pagkukwentuhan dahil kung saan-saan na kami napupunta sa aming usapan. Mabuti na lang dahil sinundo ito ng nobyo niya roon sa mismong jarden kung saan niya kami kinakantahan ni Kent. Lihim akong napapapuri sa nobyo niya dahil bagay nq bagay silang dalawa. Kung titingnan ko qng nobyo niya ay mukhang hindi ito galing sa mahirap. Kay