Para akong binombahan ng makita ko si Layna sa bahay nila. Alam kong hindi niya ako gustong makita. Pero tadhana ang alam kong dahilan kung bakit nagkatagpo na naman kami sa iisang lugar. Gusto ko siyang mayakap nang mahigpit at takbuhin sa kaniyang kinatatayuan. Saksi ang Diyos sa kung ano man ang nilalaman ng puso ko at kung paano ko nilabanan ang aking sarili para pigilang lapitan siya. Ang pakiramdam na parang tinusok ng isang libong karayom ang aking puso. Sobrang sakit sa dibdib nang makita ko kung ano'ng buhay ang pinagkait ko sa kaniya noon. Dapat noon ko pa sana ito ginawa, hindi sana siya nasasaktan noon ng sobra at nagdusa. Tanging paghihirap lang ang naaalala niya sa tuwing naririnig niya ang aking pangalan. Ang pangalan ko ay nagpapaalala sa kaniya ng pagdurusa at hindi ko