Kahit na huminga ako ng malalim at mahaba, pakiramdam ko ay hindi ko pa rin maramdaman ang kaginhawaan sa aking sarili. Ang hirap iwanan ang mga nakaraan at kalimutan ang nararamdaman. Ang damdamin sa isang tao ay hindi parang sili na aanghang kaagad. Dahil kung sana ay naging ganoon lang kadali ang lahat. Importanteng tao para sa akin si Chad at hindi ko siya sasayangin. Mahal ko siya at hindi man kasing lalim nang binigay kong pagmamahal noon kay Kent pero alam kong may nararamdaman ako para sa kaniya. Hindi man natuturuan ang pusong mahalin siya gaya ng una kong naramdaman para kay Kent pero alam kong meron. Alam ko sa puso ko na mayroon. Sa lahat ng naitulong niya sa akin ay puso ko lang ang tangi kong maihahandog. Seryosohin siya at maging sinsero sa relasyon naming dalawa. A