Galit na galit si Mommy nang pumasok sa aking kwarto. Nakalimutan kong e-lock ang kwarto kaya malaya siyang nakakapasok sa loob. "Are you insane, Kent?!" galit na tanong ni Mommy sa 'kin ng malaman niya ang namamagitan sa amin ni Layna noon. Ilang buwan na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa utak ko ang mga nagdaan. "Siguraduhin mo lang na ayusin mo 'yang tumatakbo sa utak mo, Kent. Kung kailan ka tumanda ay saka ka pa nagkakaganyan!" asik niya sa akin at hindi matanggap ang nagawa ko. "This is crazy! I can't believe this!" naghehesiterikal niyang patuloy dahil hindi nito matanggap ang nalaman. Kanina pa ito pabalik-balik nang lakad sa sala at hindi mapalagay. "Ma, I can fix this, trust me," pinal kong sagot. "I can't afford to watch you and ruining your life because of that worthles