Pagpasok ko sa kwarto ay gising pa si Chad. Nakapatong ang dalawa niyang braso sa ilalim ng kaniyang ulo habang titig na titig sa kisame. At hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nangyari ngayon. Parang sumasayaw ang dibdib ko sa pagtaas-baba ng aking hininga. Kinalma ko ang aking sarili at bago ako tanungin ni Chad ay inunahan ko na siya sa pagtatanong. "Bakit gising ka pa?" "Hindi ako makatulog ng wala ka pa sa kwarto." Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama at umupo sa gilid ng kama. "Pasensiya ka na sa inasal ko sa 'yo kanina," sinsero niyang hingi sa akin ng paumanhin. Lumapit ako sa kama ko at umupo rin do'n. "Dinaluhan ko si Carmela, uminom kami ng kaunti." "Huwag mo nang ulitin na makipag-inuman sa kaniya," payo niya sa akin at puno ng kahulugan ang binitawang mga salita