"Carmela, siputin mo 'yon dahil hindi habang buhay ay maiiwasan mo siya. Kung wala ka ng nararamdaman sa kaniya ay prangkahin mo at putulin mo ang relasyon ninyo para walang taong maghihintay at umaasa," seryosong sabi ni Chad sa pinsan. Nag-inuman silang dalawa at wala silang kaalam-alam na nakikinig ako mula sa 'di masyadong kalayuan. Pareho silang seryoso kaya hindi nila napansin ang presensiya ko. Kung tama ang hinala ko ay may nobyo pala si Carmela na iniiwasan na niya ng matagal. "Mag-iisang taon na Carmela at hanggang ngayon ay hinihintay ka pa rin niya. Para ng nababaliw 'yong tao kakahanap sa 'yo." "Kung si Layna ba ang nasa kalagayan ko ay papupuntahin mo siya?" balik tanong nito kay Chad. "Don't include Layna in our conversation because she has nothing to do with it." "