Kung paano'ng lumipas ang araw ay hindi ko alam. Patuloy lang sa paggising sa umaga at matulog sa tuwing gabi. Nanatili ako sa isla at mag-iisang buwan ng hindi nakakauwi sa Maynila. Wala na rin akong balita pa kay Kent at kay Arah. At wala na rin akong balak pa na alamin dahil sa ngayon ay kaligayahan nila ang hinihiling ako. Pinayagan ako ni Chad na tumira rito at mas napapadalas rin ang pagdalaw niya sa akin. Kasama ko palagi si Carmela sa pagpapakain ng mga alaga niyang ibon at totoong nakakawala ito ng stress. Tawa kami nang tawa sa tuwing nagsisimula nang magsalita ang ibon niyang parrot. Napaka-sweet sa akin ni Carmela at itinuring niya talaga akong pamilya. Sa sobrang bait niya sa 'kin ay pakiramdam ko ay kapatid na ang turing niya sa akin. "Darating ba ngayon si Chad?" nakas