Nang tuluyan na nga akong pumayag sa gusto ni Kent ay kaagad siyang nagpasya na lalabas na sa hospital. Wala pa nga itong spaat na pakas pero nasasabik na siyang lumabas ng hospital para lang makasama ako. Halos hindi na niya ako pinapakawalan at wala siynag ginawa kundi ang dumikit sa akin. Ayaw man siyang payagan ng Doktor pero matigas talaga ang ulo ni Kent. Laging pasya niya ang nasusunod at hindi ito nakikinig sa iba. Hindi ko na lang din siya kinontra dahil nangako siya sa akin na magiging mabait siya ngayon pag-uwi namin sa condo niya kasama ako. Nasa sasakyan pa lang kami ay hindi na ito mapakali. Nililikot niya ang mga daliri ko sa kamay at ilang beses na dinala ang aking kamay sa kaniyang mga labi upang bigyan ng masuyong halik. Pagdating namin sa aming destinasyo