Nanatili akong nakatayo sa harap ni Kent kung saan hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin ito sa aking harapan. Ang lahat ng sakit na naipon ko ng ilang taon sa aking dibdib ay naibuhos ko lahat ngayon sa harap niya. Wala akong balak na ipakita sa kaniya ang kahinaan ko pagdating sa kaniya. Pero may mga bagay talaga na hindi maipaliwanag at hindi inaasahan na mangyayari. Pakiramdam ko ngayon ay nailabas ko na ang lahat ng mga luha ko dahil sa pait na mga karanasan. Ang sarap niyang mahalin ngunit ang hirap din sapagkat nakakawasak ito ng puso. Kahit siya lang ang tanging laman ng aking puso ay hindi pa rin madali para sa akin ang alalayan siya ng pagmamahal. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nasasaktan dahil siya ang hinahanap ng puso ko. At hindi ko nais makita siyang gani