Pagdaan ko sa mga cubicle ng accounting department ay wala akong makitang tao ni isa. Lahat sila ay na nananghalian na sa cafeteria maliban na lang kay Sir Chad na mukha yatang hindi tinatablan ng gutom. Dahan-dahan kong pinihit ang siradora upang buksan ang pinto. Nanataling nakayuko lamang si Sir Chad at abala sa ginagawa sa kaniyang laptop. Minsan ay 'di ko maiwasang mag-alala sa kaniya dahil nagtatrabaho ito ng walang laman ang tiyan. Kahit pa sinabihan ako ni Mrs. Soles na 'wag ko itong isturbuhin lalo na kapag may ginagawa ito ay hindi ko mapigilan ang aking sarili kahit alukin man lamang siya ng kape. "Sir, kape niyo po," mahinahon kong sabi sabay abot sa tasa sa kaniya. Hindi niya ako binalingan nang tingin at wala rin akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Kaya nilapag ko na