Masaya kaming kumain ni Sir Chad nang sabay kahit na hindi naman ito masyadong nagsasalita. Seryoso pa rin ang kaniyang mukha pero 'di na ako masyadong naiilang sa kaniya gaya ng madalas kong nararamdaman. Pakiramdam ko ngayon ay parang hindi ko na lang siya basta-bastang amo dahil kaibigan ko na rin siya. Sana nga lang ay ganso'n din aang turing niya sa akin. Matapos naming kumain ay bumalik na naman ito sa pagiging strikto niya at seryoso. Nagpasalamat siya sa akin at inabutan niya ako ng tubig ng walang ekspresyon ang mukha. Parang gusto kong matawa dahil sa ugali niya, nakakapagtaka dahil bakit kailangan niya itago ang emosyon nila. "Siya nga pala mag-o-overtime ka pa rin ngayon dahil may papeles akong ipapa-review sa 'yo. Mahirap na at baka malingat ako sa mga pinipermahan ko." "