Buong araw akong naghanap ng trabaho sa city pero gaya ng unang linggo ay wala pa rin akong napala sa aking paghahanap. Nakakapanghinayang sa oras dahil isang linggo ko na itong nasasayang. Sumasakit na nga ang mga paa ko sa kakalakad dahil nagtitipid ako sa pamasahe. Bawat hakbang ng aking mga paa ay hindi ko mapigilang mapadaing sa hapdi na nararamdaman ko sa aking hinliliit na daliri. Unang araw pa lang ay iniinda ko na ang paltos na natamo ko sa kakalakad sa kalsada. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko na namamalayan o nararamdaman ang init ng araw na tumatama sa aking balat dahil sa sugat ko sa paa. Kahit na nakakapagod na at gusto ko ng sumuko pero tinatapangan ko na lang ang aking sarili para sa aking pamilya. Ayaw ko rin namang lapitan si Tita Jerlyn para magpatulong dahil