Chapter 180

1183 Words

Matapos mag-usap ni Tita Jerlyn at Ate Anna ay hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Dumiretso lang sa kwarto si Ate Anna at tahimik lang akong dinaanan. Sinulyapan niya lang ako saglit nang hindi kinikibo. Gusto ko sanang kausapin si Tita Jerlyn dahil sa inasal ng kapatid ko. Ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Kaya sa huli ay humingi na lang ako ng paumanhin. "Tita, pasensiya na po," nahihiya kong ani. "Ano ba 'yang sinasabi mo, Hija?" biglang tanong sa amin ni Tita Jerlyn. "Wala kang dapat na ipag-alala sa akin," dagdag niyang wika. Tiningnan ko lang siya sa kaniyang maamong mukha. Nakangiti siya sa akin pero hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot habang pinagmamasdan kong maigi ang kaniyang reaksyon. Hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD