Nang makasakay ako sa taxi ay wala akong ibang inisip kundi ang makauwi sa condo ni Chad. Hindi maalis sa akin isipan ang sagutan namin ni Arah kanina. Kaya hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Napatunayan ko kung gaano ko nga kamahal si Kent. At para na ang mababaliw sa kakaisip kung ano ang tamang gawin. Pareho kaming napaparusahan sa nararamdaman naming hindi ko alam kung tama ba o mali! Paano ko ba sasabihin kay Chad ang lahat na kailangan ko nang bumitaw sa kaniya? Paano ko sasabihin na hindi na namin kailangang magkasama sapagkat hindi buo ang nararamdaman ko para sa kaniya? Ang dami kong tanong kung paano pero kahit alam ko naman ang gagawin ay ito ang pinakamahirap na gawin. Importante sa akin si Chad at ayaw ko siyang masaktan. Kaya hirap na hirap ko sa sit