Pauwi na sana ako sa aking condo nang bigla akong makatanggap ng tawag galing sa aking ina. Ilang ulit niya akong kinontak pero pinabayaan ko lang. Alam kong wala itong importanteng sadya kaya ilang beses ko rin itong hinayaang mag-ring lang. Pero umabot ako sa punto na ang pangungulit niya ay nakakaumay na. Pero hindi ko rin magawang p*****n siya ng cellphone dahil kahit papaano ay ina ko pa rin siya. Kung hindi ko nakilala si Layna ay hindi ako magkakaroon ng pakialam sa iba dahil lahat ay alam na kahit pamilya ko ay hindi ko pinapahalagahan. Pero dahil sa kaniya ay napagtanto ko kung gaano kahalaga ang pamilya. At ngayon ay mukhang wala yata itong balak na tigilan ako hangga't hindi niya ako nakakausap. Kaya sa huli ay sinagot ko ang tawag niya dahil nanaig pa rin ang respito