"Halika na! Umuwi ka na, Arah!" pamimilit ko sa kaniya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa labas ng bahay ni Ate Anna. Ilang beses ko na siyang hinila pero nagpupumiglas siya at nakikipagmatigasan. "Ano'ng pinagtitinginan niyo r'yan?! Tapos na ang show kaya umalis na kayo!" galit nitong dikta sa mga kapitbahay pero hindi umayon sa kaniya ang lahat. Si Layna naman ay umalis na kaya wala na siyang dahilan pa para manggulo rito. Tiningnan lang ako ni Ate Anna at iniwan ng walang paalam. "Arah, pwede ba kahit konti ay bigyan mo naman ako ng kahihiyan!" Malakas at galit kong saway sa ginawa niyang panggugulo. Hindi ko na alam kung ano ba ang tamang nararamdaman ko ngayon dahil naghalo-halo na ang lahat na damdamin. Naiinis ako dahil masyado niyang pinapalala ang sitwasyon. Kahit