Wala naman siyang alam gawin kundi ang pahirapan at saktan ang kalooban ko. Palagi niya lang akong sinasabihang malandi pero ang mas nakakainis ay hindi niya ako hinahayaang umalis na lang sa buhay niya. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam, ayaw kong maawa sa sarili ko at kinakaawaan ako ng iba. Higit sa lahat ay ayaw ko ring makaramdam na pinandidirian ko ang aking sarili dahil para akong sasabog sa hiya. Pabagsak niyang sinara ang pinto nang lumabas siya sa apartment ko. Halos mabingi na ako sa lakas nang pagbalibag niya ng pintoan. Nahihiya ako na baka marinig ako ng may-ari ng bahay at paalisin ako dahil hindi nito gusto ang ugali ng kasama ko na sumusulpot na lang bigla. Nakakahiya sapagkat nakakadisturbo na kami sa ibang mga nagrerenta. Ilang saglit pa bago ako makabawi sa sakit na