"Where have you been?!" matigas na tanong ni Kent sa akin na para bang kulog ang kaniyang boses sa aking pandinig. Sa sobrang takot ay parang lumukso na ang aking puso. Nang balingan ko siya nang tingin ay napakaseryoso ng kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay masyadong matalim ang titig sa akin. Kung nakakasugat lang ito ay siguro dinudugo na ako ngayon. "Nag-overtime ako sa trabaho," tugon ko sa kaniya at pilit na itanatago ang aking takot. Ayaw kong malaman niyang kinakabahan rin ako dahil mas lalo lang niya akong tatakutin. "Tsk, trabaho?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at sinuri ang suot kong damit. Pormal lang naman ang suot ko dahil nasa opinina ako at pinagmamalaki kong marangal ang trabaho ko ngayon. Hindi gaya ng trabaho ko sa kaniya na hindi ko kayang maipagm