Nang sabihin ng boss ko ang mga katagang iyon ay hindi na ako nakapagreklamo pa. Sino ba naman ako para magreklamo sa kaniya gayong suswelduhan namin niya ako sa aking overtime? At nasa tama naman siya dahil kasali sa pinermahan kong kontrata na kung sasabihin niya sa akin na mag-o-overtime ako dahil kailangan niya ang tulong ko ay hindi ako maaaring tumanggi. "And I would have asked you one more thing. If you are on duty on your working hour, you should focus your attention on work and do not bring to my company the worries you have left in your home. I'm just saying because I've noticed that you're worried." "Pasensiya na po, Sir." Hingi ko ulit sa kaniya ng paumanhin. Dahan-dahan kong nilagay ang aking bag sa gilid ng aking mesa at bumalik nang upo. Tiningnan ko lang din si Sir na t