Mabilis ang lakad na ginawa ni Sir Chad matapos niya akong tinalikuran. Nagmamadali ko rin itong sinundan at baka uminit pa lalo ang kaniyang ulo sa akin. Kahit na mabilis ang aking mga hakbang ay sinikap ko pa ring dalhin nang maayos ang kape ng hindi tumatalsik. Nag-aalala kasi ako na baka bago pa ako makapasok sa loob ng opisina ay maubos na ang laman nito. Padabog niyang binuksan ang pintoan at ang aking mga kasamahan sa trabaho ay kinakabahang tiningnan si Sir habang nakaupo sa kaniya-kaniya nilang mga cubicle. Nagtatanong ang kanilang mga mata pero hindi ko sila pinansin. Napapikit pa ako ng may dumapong malakas na hangin sa aming mukha. Sumalubong sa aking ang hangin na nagmumula sa lakas nang pagsara ni Sir Chad sa pintoan. Mabuti na lang talaga at hindi ako natapunan ng kape.