Pagdating ko sa lugar kung saan nakalagay ang coffee maker ay tumahimik bigla ang lahat ng nandito. Napamaang sila at parang mga estatwa dahil hindi na gumagalaw. Nag-aalangan ako sa aking galaw at parang hindi ko matempla nang maayos ang kape dahil nakaramdam ako ng hiya sa kanilang lahat. Parang gusto kong bumalik sa aking pinanggalingan pero nilabanan ko na lamg ang hiya dahil nandito na ako. Mahinhin kong ginawa ang pagtitempla ng kape na Sir pero nasa knila ang aking diwa. Kahit 'di ko man sila isa-isahin nang tingin ay alam kong nasa akin lng ang kanilang atensyon. Kaya nga ay mahihirapan akong gumalaw at bilang lang ang aking mga kilos. Dahan-dahan akong naglakad habang pilit na iniiwasang matingnan ko sila. Ayaw kong makipagtitigan sa kanila sapagkat umiiwas lang ako sa maaring