Chapter 227

1381 Words

Nagising ako ng madaling araw dahil sa isang bangungot na para bang totoo. Isang malagim na panaginip at sa panaginip ko ay nakita ko ang mga kapatid ko pati na rin ang nag-iisa kong pamangkin na nag-aagaw buhay. Sobrang nahihirapan ako at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng hangin para makahinga. Nakakabaliw ang mga nakita ko pero ang mas nakakagulat ay hindi ko man lang sila magawang hawakan sa panaginip ko. Tinatawag nila ako sa pangalan ko at humihingi sila ng tulong pero mukha namang wala silang nakikita sa tuwing lumalapit ako. At nang tingnan ko kung sino ang tinitingnan nila ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili kong katawan. Nakahandusay ako sa sahig at wala ng buhay. Para akong naubusan ng dugo sa aking nasaksihan at hindi ko matanggap. Hinihingal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD