Ang akala ko ay pakikinggan ako ng mga iniwang bantay sa akin ni Kent. Nagbabasakali ako na hahayaan lang nila ako sa paglalakad ko pero ang nangyari ay ako pala itong walang nagawa. Hindi ko nangawang makipagtalo kay Kent dahil alam ko namang wala akong kawala. Kahit na makipagmatigasan ako sa mga bantay ay sila rin naman ang malilintikan. Mapapahamak ko lang sila kapag nalaman ni Kent na hinayaan lang nila ako. "Ma'am Layna, trabaho po namin ang bantayan ka. Ginagawa lang namin ang trabaho namin para hindi kami malintikan ni Sir Kent. At siya po ang susundin namn dahil sa kaniya kami nagtatarabaho," paliwanag ng bodyguard sa akin at naiintindihan ko naman sila. Tumango at humingi ng pabor. "Sige pero ayos lang ba kung dumistansiya kayo ng konti sa akin?" "Wala pong problema,"

