Hindi masyadong naging malala ang pagkatapilok ko kaya matapos ang seventy two hours ay gumaling na ang paa ko. Maayos na ang paglalakad ko at ilang araw na lang na pahinga ay kaya ko na ring tumalon ulit. Wala namang dapat na ikabahala sa kondisyon ko dahil maliit lang ang injury na nangyari sa akin. Kaya lang ay hindi ko mapilit si Kent na umuwi kaagad dahil gusto niyang siguraduhin ang kaligtasan ko. Kahit na maayos na ako ay ayaw niya pa ring maniwala sa akin. Minsan ay gusto ko na siyang sawayin dahil masyado na siyang over protective sa akin. Tinutukso na nga siya ng kaibigan niyang Doktor at hinayaan na lang siya dahil wala rin namang saysay kung makikipagtalo siya sa isang Kent Donte na laging nasusunod ang gusto. "Bahala ka na nga, marami ka namang pera kaya pwede kang