Nakangiti kaming pareho ni Kent nang makarating kami sa bahay. Hindi ko na inaya si Kent na pumasok sa loob ng bahay pero gusto niya pa rin akong alalayan. Hindi na lang ako nagreklamo dahil alam ko naman na hindi ako mananalo sa kaniya. "Mas lalo lamang akong nahihiya sa mga ginagawa mo. Hindi ko alam kung paano kita masusuklian sa lahat ng sakripisyo mo para sa akin," nahihiya kong ani at sa katunayan ay hindi ko alam kong ngingiti ba ako o sisimangot dahil sa pagpupumilit niya. "Sinundo mo na nga ako sa hospital at hinatid mo pa ako rito sa bahay. Masyado na akong naging pabigat sa araw na 'to," patuloy kong turan. "Magpapakita lang ako saglit sa mga kapatid mo bago ako umalis. Ayaw kong may masabi sa akin ang mga future bayaw ko. Magpapa-impress ako dapat sa kanila lalo na at