Hinihintay kong makaalis ang kotse ni Kent bago ako pumasok sa loob. Hinatid ko siya nang tingin at nang hindi na siya makita ng mga mata ko ay saka lang ako nakapagpasyang pumasok sa loob. "Sir Clenn, ano'ng gusto niyong inumin?" tanong ko sa kaniya habang papalapit pa lang ako sa kaniyang pwesto. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na alukin siya ng maiinom dahil sa gulat ko kanina ay nawala sa isip ko. Sino ba naman ang hindi magtataka kung bakit siya napadpad sa lugar namin? "Huwag ka ng mag-abala dahil binigyan na ako ng kapatid mo kanina," sagot niya sa akin. "Umupo ka muna," dagdag niyang wika na para bang nabaliktad ang nangyari. Kung makapagsalita siya ay para bang ako ang bisita at siya ang may-ari ng bahay. Pero hindi iyon mahalaga dahil ang importante dahil p