Malungkot man akong umalis ng airport pero kahit papaano ay panatag na rin ang loob ko. Parang nawala ang bigat sa loob ko nang mangako sa akin si Tita Jerlyn. Unti-unti nang umaayon sa akin ang tadhana. Sinisimulan na naming ayusin ni Kent ang lahat. Nangako sa akin si Tita Jerlyn na tatawagan niya ako palagi at kukumustahin. At kahit nasa malayo na siya ay sisiguraduhin niyang hindi mapuputol ang koneksyon naming dalawa para sa isa't isa. Habang nagmamaneho si Sir Clenn ay tinitigan ko siya. Ang tahimik niya at ang tipid niyang magsalita. Siguro ay hindi madali ang pagpapatakbo ng kompanya kaya lagi siyang seryoso. Sa palagay ko ay tanging okupado lang ng isip niya ay ang mga plano sa gusto niyang gawin sa kompanya. Hindi ko ugali na pakialam o isipin ang buhay ng iba. Per