"Clenn, alam kung wala kang permamenteng sekretarya. Sa tagal na panahong nakilala kita ay nagtatrabaho kang hindi umaasa sa iba. Alam kong hindi mo iyon kailangan pero nakakapagtaka naman yatang sinama mo ito ngayon. Ikaw lang ang kilala kong kakaiba kung magtrabaho kaya napaisip tuloy ako kung kailangan mo ba ng sekretarya?" makahulugan niyang wika at ang tanong ay halatang may ibig na kahulugan. Sinadya kong bitawan ang hawak na tinidor at gumawa iyon nang nakakaagaw pansin na tunog. Sabay silang napatingin sa akin at kinuha ko ang pagkakataong iyon upang makapagpaalam sa aking boss. "Excuse me, Sir Clenn... sa banyo lang ako," sabi ko at mabilis na tumayo para kahit papaano ay makahinga naman ako saglit sa mga titig sa akin ni Arah. Kahit kailan talaga ay iba ang paraan niya nan