Chapter 207

1014 Words

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" asik niya sa akin at ang mga mata ay hindi mapigilang manlisik sa galit. "Kinokompara mo ba ang sarili mo sa akin? Ano naman ang binatbat mo sa akin? Kung may binihisan man dito ay ikaw iyon! Isa ka lamang pobre at nakakadiring babae na inayusan ni Kent at kahit na bihisan ka ng magagandang damit ay basura ka pa rin!" inis niyang wika sa akin at binalik lang ang mga sinabi ko. Natawa ako at pinaramdam sa kaniyang hindi ako apektado sa kaniyang presensiya. "Alam ko ang katotohanang iyan... binihisan lang ako! Kaya hindi mo na dapat ipaalala sa akin, Arah. At bakit din ba pakiramdam ko ay nasisindak ka sa mga pinagsasabi ko? Dahil ba alam mo kung ano ang totoong katotohanan at nagbubulag-bulagan ka lang?" Tumango ako saglit. "Tama ka iyon ang katotohanan!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD