Pag-uwi ko sa bahay ay nagtataka ako ng may makita akong kotse na pamilyar sa aking mga mata. Tiningnan ko si Sonya ng malungkot at nagpasalamat sa paghatid nila sa akin. Maging ang nobyo nitong si Gino ay halatang nababahala dahil napansin rin ang inaalala ko. Kung hindi ako nagkakamali ay isang problema na naman ang haharapin ko. Bumuntong hininga ako at matapos magpakawala ng matunog na hininga ay wala na akong sinayang na segundo. Mabilis akong pumasok sa gate at pagpasok ko sa bahay ay nagtatalo ang Mommy ni Kent at ang Ate Anna ko. Naging mahina ang paghakbang ko at parang nilamutak ang aking puso dahil sa aking nakita. Parehong seryoso ang kanilang mga mukha sa pagtatalo kaya hindi man lang nila ako napansin. Ininsulto nito ang aking pagkatao at nadamay pa ang mga kapa