"Bahala na nga kayo, matatanda na kayong pareho basta ba wala ng bawian," pagbibiro ni Ate Anna. "Hiningi mo na ang kamay ng kapatid ko kaya huwag mo nang isusuli! Ang dapat mo lang gawin ngayon ay gawin ang lahat para ipaglaban siya at matanggap siya ng pamilya mo," patuloy na payo ng aking kapatid. Pagkatapos sabihin ni Ate Anna ang mga payo niya kay Kent ay pinalabas na niya kami kaagad sa bahay dahil isasara na raw niya ang pintoan. Inaantok na raw sila at gusto nang magpahinga. Kahit alam ko naman na sinasabayan niya lang ang trip nitong si Kent. Sa kabila ng lahat ng ginawa ni Donya Karen ngayon ay hindi ko narinig mula sa bibig ni Ate Anna na iwanan ko si Kent. Kung mahal ko ay ipaglaban ko, iyon lang ang payo niya sa akin at ng hindi ko pagsisisihan sa huli. Hindi pa nga a