Nagmamadali akong tumayo sa tabi ni Kent at tinungo ang kwarto niya ng hindi lumilingon. Parang lalabas na ang puso ko dahil hindi ko na matagalan ang tensyon sa pagitan ng dalawang magkaibigan. Dumiretso ako sa loob ng banyo at nagpanggap na umiihi kahit na ang totoo ay ayaw ko lang na makausap muna siya. Kinalma ko roon ang aking sarili dahil kinakabahan ako. Wala pa ngang dalawang minuto at hindi pa nakakabawi sa aking kaba ay nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pintoan. Sinundan ako ni Kent at walang alinlangan akong sinugod sa aking kinatatayuan. Dahil na rin sa pagmamadali kanina ay nakalimutan kong e-lock ang pinto. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin at iniwang nakabukas ang pintoan. Napuno rin ng galit ang kaniyang mga mata at biglang hinigit ang aking braso