Naiwan akong nakatayo lamang sa aking pwesto at wala akong nagawa kundi sundan nang tingin si Kent. Akala ko ay lalabas na siya pero huminto ito saglit. Lumingon siya sa akin at parang nagdadalawang isip na magtanong sa akin. "Bakit?" hindi ko mapigilan ang sariling alamin ang iniisip niya. Kaya ako na mismo ang nagtanong. "That's funny," natatawang wika ni Kent na para bang hindi makapaniwala sa kaniyang naiisip. "Tapatin mo nga ako, Layna? Bakit magkasama kayo ni Chad ngayon?" tanong niya sa akin at parang puno ng pagdududa. "Ah, nagkasabay lang kami sa baba, nagkataon lang," nauutal kong pagsisinungaling para wala ng gulo. Malalim ang titig niya sa akin. "Magbihis ka na!" utos niya at tanging tango lamang ang aking naging tugon. Narinig ko ang pagbitaw niya ng matunog na hininga