"Alam ko 'yon at matagal ko nang itinatak sa utak ko ang mga salitang 'yan," pormal kong wika. "Good!" seryoso niyang sagot matapos niyang ubusin ang alak sa basong hawak ng kaniyang kamay. Ilang shot ang iniinom niya at ng maubos ang isang bote ng wine ay kumuha ulit siya ng isa pang bote. Ilang oras rin akong naghihintay habang tahimik siyang umiinom. Nang makalahati niya ang laman ng bote ay tinapkan na niya. Pagkatapos niyang ilapag ang baso sa center table ay mabilis na niya akong pinatungan. Pinagkasya namin ang aming mga sarili sa sofa. Tinitigan niya ako nang diretso sa aking mga mata at nakikita ko roon ang kalaswaan sa binabalak niya. "Are you taking your pill?" Hirap akong tumango dahil sa lapit ng aming mga mukha. Siguro ay nag-aalala ito dahil ilang beses na niyang pinap