Chapter 86

1149 Words

Matapos kumain ay sabay na rin kaming pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Bago pa man siya makalapit sa kaniyang table ay pinigilan ko ito kaagad ng maalala kong magiging maayos kung kukunin ko ang pagkakataong ito para humingi ng paumanhin. Hinawakan ko siya sa kaniyang braso at tumitig sa mga mata niya na puno ng sinseridad. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at humugot ng lakas na loob para simulan ang paghingi ng tawad. "Sir, tungkol po pala no'n sa inasta ko noong nakaraan," nahihiya kong simula at hindi ko na alam kung paano ko tatapusin ang sasabihin nang titigan niya ako sa aking mga mata ng kakaiba. Umiwas ako sa mga titig niya dahil hindi ko kinaya. "Sir, alam n'yo na po 'yun," nahihiya kong patuloy pero hindi ito kumibo sa akin. Kaya sa huli ay napilitan rin akong sabih

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD