"Yes and I won't say if it's not okay with me." Tumango na lang ang binata sa harap namin na para bang nangangatog ang mga tuhod at saka binigyan ako ng tipid na ngiti. Ngiting may halong mangha pero pumapangibabaw ang labis na kaba. "Miss Layna, ikaw ba may gusto kang order-rin? Tutulungan na lang kitang magdala rito sa table niyo ni Sir," medyo nauutal nitong tanong sa akin. "Nevermind! I will go with her!" Malamig nitong sagot at parang puno ng pagbabanta ang boses. Nang tingnan ko ang mukha ni Sir Chad ay hindi na ito maipinta. Halatang hindi nito gusto ang ginawang titig sa akin ng nag-aasikaso sa amin ngayon. "Just look at me because I'm the one you're talking to!" matigas nitong sabi sa binatang panay pa rin ang sulyap sa akin at hindi ko rin masabi kung ano ba ang ikinagagalit