Ang unfair talaga ng buhay! Kahit pa binabayaran ako ni Kent ay nilalagay ko naman sa lugar ang trabaho ko. Pero bakit ganito pa rin ang sinapit ko? At sa mga mayamang babae na kagaya niya ay parang ang hirap ang linis nila. Kung hindi ko nasaksihan ito ngayon ay sino ba ang maniniwala na ang kagaya niya halos manglimos na ng pagmamahal sa boss namin. Gagawin ang lahat para lang mapansin. Ang akala ko ay mga mahihirap lang na kagaya namin ang namamalimos ng pag-ibig. Pati pala ang mayayaman na kagaya ni Miss Thelma. Mas malala pa nga ito sa kagaya naming mahihirap dahil makikita ko sa kaniyang mga mata na kaya niyang isuko ang lahat. Ramdam ko sa paraan ng pagsusumamo niya sa kaniyang mga mata. Kahit pa nagmumukha itong kaawa-awa sa harap ng iba. Alam kung hindi tama ang mga iniisip