Pagpasok namin ni Kent sa loob ng bahay ay wala si Ate Anna sa sala. Lumabas din ng kwarto si Mary at Tessa at kumukurap ang mga mata dahil sa kanilang nakikita. Maaga ang pasok nila sa trabaho kaya maaga rin silang gumigising. Kinusot pa nila ang kanilang mga mata upang masigurong si Kent nga ang kasama ko. Nanlaki ang kanilang mga mata at nagtataka kong bakit kaming magkasamang dalawa? Para bang hindi sila makapaniwala dahil nakita at nasaksihan nilang lahat kung paano ko ito pinagtatabuyan sa bahay. Sa taas ng pader may nakadikit na wall clock sa sala namin. Sabay silang napatingin doon at napamaang na lang nang makita nilang alas kwarto pa ng maaga. Napalingon rin sila nang sabay nang lumapit si Ate Anna habang bitbit ang tray na may nakalagay na tasa ng kape. "Kung n