Wala akong ibang inaasikaso ngayon kundi ang wedding gown na susuotin ko. Kailangan kong maghanap ng susuotin para sa kasal namin ni Kent. Abala si Kent sa kompanya niya at gustuhin man niyang sumama sa akin pero may dapat siyang unahin. Lagi niyang sinasabi sa akin na ako ang pinakamahalaga para sa kaniya. Pero kahit ganoon ay hindi naman buong buhay niya ay kailangang umikot sa akin. Isa pa ay ayaw niyang mag-iwan ng trabaho sa opisina habang nasa honeymoon kaming dalawa. Iniiwasan niyang mandisturbo ang araw na para lang sa aming dalawa. Kapag naiisip ko ang mga plano niya kung saan kami pupunta at kung ano ang mga gagawin namin ay natatawa na lang ako. "May nagustuhan ka na ba?" tanong sa akin ni Sonya. Nagpresenta kasi siya na sumama sa akin at siya na rin mismo ang n